Mga pulis, dapat sumailalim sa taunang neuro-psychiatric test

Para kay Senator Ronald Bato Dela Rosa na dating Hepe ng Philippine National Police (PNP), dapat sumailalim sa regular na neuro-psychiatric test ang mga pulis kada taon.

Sinabi ito ni Dela Rosa kasunod ng insidente ng pagpatay ng isang pulis sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Sinasabi kasi na posibleng may problema sa pag-iisip o may topak ang suspek na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca kaya nito nagawa ang karumal dumal na krimen.


Ayon kay Dela Rosa, maaasahan ang neuro-psychiatric test para matiyak na nasa maayos na kondisyon ang pag-iisip ng mga nag-nanais maging pulis pero dapat ay regular o taunan itong gawin.

Paliwanag ni Dela Rosa, maaari kasing matino at maayos ang pag-iisip ng pulis habang ito ay nag-a-apply pa lang pero maari itong magbago kapag nasa serbisyo na at natutunan ang paggamit ng ilegal na droga.

Facebook Comments