Mga pulis, hindi pinagbabawalang mag tiktok ng PNP Anti-Cybercrime Group

Itinanggi ng PNP-Anti Cybercrime Group na pinagbawalan nila ang mga pulis na mag tiktok.

Ang tiktok ay isang Chinese Video Sharing Social Netwroking Site kung saan maaring i-lip sync, isayaw ng isang user ang lahat ng mga short videos.

Ginawa ng PNP-ACG ang paglilinaw matapos na makarating sa kanila ang mga report tungkol sa kumakalat na mensahe sa text at sa messenger na nagsasabing minomonitor umano ng ACG ang mga social media accounts ng mga pulis.


Nakalagay pa sa  mensahe na pinapayuhan daw ang mga pulis na mag-pakita ng “Professionalism” sa pagpopost sa kanilang mga private social media accounts ng mga video na gawa sa tiktok app.

Pero ayon kay ACG Director PBGen. Dennis Agustin, walang inisyung ganung babala ang ACG sa mga miyembro ng PNP, at wala din kautusan mula sa pamunuan ng PNP para i-monitor ang mga social media accounts ng mga pulis.

Kaya malaya pa rin makapag-tiktok ang mga pulis.

Facebook Comments