Mga pulis hinikayat na magsuot ng face mask

Hinihikayat ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa ang lahat ng mga pulis na magsuot ng face mask.

Ito ay dahil sa pinangangambahang pagkalat ng 2019 novel coronavirus sa bansa matapos na magpositibo rito ang isang babaeng Chinese.

Ayon kay Gamboa marami pang natirang N95 face mask ang PNP na ginamit sa nakalipas na pagputok ng Bulkang Taal na siya namang ipamimigay sa mga pulis na walang face mask.


Kanina una nang nagpatupad ang PNP Anti-Kidnapping Group ng no face mask no entry sa kanilang tanggapan sa loob ng Camp Crame.

Sa AKG ay maraming nakakulong na Chinese dahil sa kasong kidnapping at marami ang bumisitang Chinese kaya nagpatupad sila ng ‘No face No entry.’

Samantala, nagpalabas na rin ng direktiba si Gamboa sa kanyang mga tauhan na tutukan ang mga lugar kung saan may panic buying ng face mask upang walang magkagulo.

Facebook Comments