Mga Pulis-‘Kyusi,’ pinayuhan ng QCPD na iwasang mag-post ng hindi awtorisado at bias na content sa social media

Maging disiplinado at sundin ang pinakamataas na pamantayan ng pagiging propesyonalismo.

Ito ang laman ng inilabas na paalala ng Quezon City Police District (QCPD) sa lahat ng kanilang mga personnel at iginiit na iwasan ang pagpo-post ng mga hindi awtorisadong at may pagkiling na nilalaman sa social media.

Ang payo ay inilabas kasunod ng pagkakasampa ng kaso laban kay Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas, na kinakasuhan sa paglabag sa Article 142 o Inciting to Sedition ng Revised Penal Code, kaugnay ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.


Giit ng QCPD, ang PNP ay dapat manatiling apolitical at non-partisan kaya’t mahalaga anilang iwasan ang pagpo-post ng unauthorized at biased na nilalaman sa kani-kanilang mga social media account.

Facebook Comments