Mga pulis, maayos pa ring ginagampanan ang kanilang tungkulin – DILG

Iginiit ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ginagampanan pa rin ng mga pulis ang kanilang tungkuling pagsilbihan at protektahan ang mga mamamayan sa abot ng kanilang makakaya.

Ito ang pahayag ng kagawaran sa gitna ng pananaw ng publiko na nagiging mapang-abuso ang mga pulis kasunod ng pagpatay ng isang pulis sa mag-iina sa Tarlac.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, 99% ng mga pulis sa bansa ay marangal na ginagawa ang kanilang trabaho.


Si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca ay kabilang lamang sa minorya ng ‘rogue cops.’

Sinabi ni Año na hindi patas para i-generalize at tawagin ang lahat ng pulis na mapang-abuso at tiwali.

Ang mga ganitong gawain ay hindi pinapayagan ng gobyerno.

Facebook Comments