Hindi pipigilan ng Philippine National Police (PNP) ang sinumang pulis na gustong makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) ukol sa imbestigasyon ng drug war ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay PNP Public Information Officer (PIO), Chief BGen. Jean Fajardo, basta ito ay sa kanilang personal capacity.
Ang PNP aniya, bilang institusyon ay hindi magbibigay ng dokumento o direktang makipagtutulungan sa ICC.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makipagtutulungan ang Pilipinas sa ICC dahil sa usapin ng hurisdiksyon, na parehong posisyon ng Office of the Solicitor General, at Department of Justice (DOJ).
Ayon pa kay Fajardo, nakaayon ang Pambansang Pulisya sa posisyon ng national government ukol sa usaping ito.
Facebook Comments