Manila, Philippines – Malaki ang posibilidad na lalongmaging abusado ang mga pulis sa oras na ituloy ni Pangulong Duterte ang balakna pardon sa mga pulis na nakapatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, magiging lisensiyaito ng mga pulis para hindi na sundin ang panuntunan sa kanilang operasyonlaban sa iligal na droga.
Masamang senyales din ito na lilikha ng magiging hakbangng pangulo dahil magkakaroon ng impunity sa hanay ng PNP kapag nagkataon.
Nakakapangamba aniya na lumala pa ang patayan nakinasasangkutan ng mga pulis sa giyera kontra iligal na droga.
Matatandaang kinasuhan na ang mga pulis na nakapatay kay Espinosasa kulungan sa Leyte noong nakaraang taon.
Pero hindi pa man nalilitis ay mismong ang pangulo na angnagsabi na bibigyan niya ang mga ito ng absolute pardon, ibabalik sa serbisyoat ipo-promote pa ang mga ito sa oras na mahatulan ng Korte.