Mga pulis mula sa maritime group sumailalim sa underwater crime scene investigation course

Tututukan na rin ng Philippine National Police Maritime Group ang mga krimen sa ilalim ng karagatan.

Ayon kay PNP Maritime Group Director B/Gen. Rwin Pagkalinawan, isinailalim sa underwater crime scene investigation course ang kanilang hanay kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang San Diego California Police Dive Team ang nagsanay sa mga pulis, na nagbigay ng iba’t ibang senaryo sakaling magkaroon ng krimen sa karagatan.


Halimbawa na dito ang tamang pagresponde sa bumagsak na helicopter o sumabog na sasakyang pandagat, pati na rin ang mga lumulutang na cocaine.

Ayon kay Pagkalinawan, sakaling magkaroon ng krimen mas magiging organisado na sila sa pagresponde.

Nakatalaga ang maritime sa crime investigation, BFAR ang titingin sa pinsala sa mga coral at aquatic resources at coast guard naman ang mag-assess ng aksidente at magtatago ng mga ebidensya.

Facebook Comments