Mga pulis na namatay sa COVID-19, umabot na sa 9; mga nagpositibo lumampas na sa 500

Siyam (9) na pulis na ang namatay habang umakyat na sa 507 ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa buong bansa.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP), ang huling biktima na may codename na PNP-47 ay mula sa Police Regional Office-6.

Nakarekober na siya sa virus ngunit muling isinugod sa ospital makaraang muling nagpositibo sa swabtest.


Samantala, batay pa rin sa monitoring ng PNP, nadagdagan pa ng walo ang nagpositibo sa COVID-19 at nasa 287 na pulis na ang nakarekober , may 652 na pulis naman ang probable Person Under Investigation (PUIs) habang 868 ang suspect PUIs.

Una nang sinabi ni PNP Chief Police Gen. Archie Gamboa, na kaniyang pinamamadali ang pagtatayo ng pangalawang COVID-19 testing facility ng PNP sa Central Visayas para agad ma-test ang kanilang mga tauhan at maagapan mula sa nakamamatay na virus.

Facebook Comments