Mga pulis na gumamit ng bata sa panloloob sa bahay sa Caloocan, kinasuhan sa DOJ

Caloocan – Sinampahan ng Public Attorney’s Office ng patong-patong na kaso sa Department of Justice (DOJ) ang mga pulis Caloocan na gumamit ng batang may kapansanan sa kanilang panloloob sa bahay sa Tala, Caloocan.

Labing-limang pulis Caloocan ang sinampahan ng robbery, anti-child abuse at violation of domicile.

Kabilang dito sina Chief Inspector Timothy Aniway Jr. at Senior Inspector Warren Peralta.


Ayon kay PAO chief Atty. Percida Acosta, kabilang sa kanilang ebidensya ang kuha sa CCTV kung saan isang batang may kapansanan ang pinapasok ng mga pulis sa bahay at pinakinuha ng mga mahahalagang gamit tulad ng cellphone, wallet, at relo.

Una na ring sinibak sa puwesto ang naturang mga pulis ng dahil sa nasabing iligal na raid.

Facebook Comments