Mga pulis na gustong magpabakuna ng anti-COVID-19 vaccine, tumaas sa 70 percent

Dumami pa ang bilang ng mga pulis na nais magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Philippine National Police Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID 19 Operations Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, mula sa 63% noong nakaraang linggo, umakyat na sa 70% ang mga gustong magpabakuna na PNP personnel.

7% ang itinaas nito kumpara sa 63% na naitala nila sa survey nitong nakaraang linggo.


Dahil dito, 30% na lang ng mahigit 200,000 nilang mga tauhan ang kanilang hihikayatin na magpabakuna.

Iniuugnay naman ni Eleazar ang pagtaas ng kumpyansa ng mga tauhan ng PNP sa bakuna sa epektibong information campaign patungkol sa advantage sa pagkakaroon ng bakuna.

Matatandaang iniulat ni Eleazar na maraming mga pulis ang nagsabi na gusto muna nilang makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa bakuna bago magdesisyon.

Pero, muli ay sinabi ng opisyal na hindi pa rin nila pipilitin ang kanilang mga miyembro na ayaw magpabakuna.

Facebook Comments