Mga pulis na hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19, patuloy na hihikayatin

Pagsisikapan ng bagong liderato ng Philippine National Police (PNP) na kumbinsihin ang nalalabing bilang ng mga pulis na hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19 na magpabakuna na.

Ayon kay PNP Chief Lt. Gen. Dionardo Carlos, may mahigit 2,284 pang hindi bakunado sa kanilang hanay at wala namang sapat na dahilan para sila’y hindi bakunahan.

Paliwanag naman ni Carlos, ginagawa na ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) ang lahat para makumbinsi ang mga ito upang makamit ng PNP ang herd immunity o population protection sa kanilang hanay.


Batay sa datos ng PNP Health Service, nasa mahigit 207,000 na ng kabuuang 225,000 mga pulis o katumbas ng mahigit 91 porsyento ng kanilang hanay ang bakunado na kontra sa virus.

Nasa mahigit 15,000 naman ang nakakuha na ng unang dose at naghihintay na lang ng kanilang iskedyul para sa ikalawang dose.

Facebook Comments