Mga pulis na ide-deploy para sa ligtas Undas 2025, aabot na sa higit 50,000

Dinagdagan pa ang ide-deploy ng Philippine National Police (PNP) para sa paggunita ng Undas sa bansa.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen. Randulf Tuaño, nasa kabuuang 50,253 na PNP personnel ang ide-deploy sa mga sementeryo, columbarium, bus station, pantalan at sa iba pang mga lugar.

Dagdag pa nito, nasa 16,592 naman ang mga idedeploy mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang supporting units.

Samantala, nasa 45,712 na force multipliers kagaya ng Tanod, Radio Group, at iba pang non-government organizations (NGOs) ang kasama sa nasabing deployment.

Ang mga nasabing ide-deploy ay tutulong sa crowd control, traffic management at emergency response upang matiyak ang maayos at ligtas na paggunita ng Undas.

Facebook Comments