Mga pulis na ideneploy sa Maynila at nagbigay ng seguridad sa pista ng Itim na Nazareno, isasalang sa COVID-19 swab test

114

Isasailalim sa COVID-19 swab test ang mga pulis na ideneploy sa Maynila nitong January 9, 2021, ang pista ng Itim na Nazareno.

Ito ay upang makasiguro ang Philippine National Police (PNP) na walang nahawa sa kanila ng Coronavirus dahil sa pagkaka-expose sa maraming deboto.


Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Brigadier General Vicente Danao Jr., 4,500 na pulis ang kanilang deneploy na mula sa Manila Police District (MPD) at ibang units sa NCR.

By batch ang gagawing swab test sa mga ito at uunahin ang mga may sintomas.

Una nang sinabi ni Danao na umabot sa 150,000 mga deboto ang dumagsa sa Quiapo nitong January 9 na binantayan ng mga ideneploy na pulis.

Facebook Comments