Manila, Philippines – Ililipat o ire-deploy na ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nilang itinalaga sa ginanap ang ASEAN Summit.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, ang mga pulis na ito ay dadalhin nila sa mga matataong lugar at mga crime prone areas sa Metro Manila.
Aniya nagsisilbing hadlang ang mga ito sa mga krimen na maaring mangyari sa kanilang lugar.
Kabilang sa mga lugar na lalagyan ng mga Police Assistance Desk ay mga commercial centers, malls at mga bus terminals.
Kaugnito ay nagpahatid din ng pasasalamat sa lahat ng mga pulis na nagbigay seguridad ang ASEAN Security Task Force Commander na si Pdir. Napoleon Taas.
Nagpasalamat ito na hanggang sa pag alis ni Chinese Premier Li Keqiang kaninang tanghali ay walang naitalang krimen kontra sa mga kilalang bisita na dumalo sa 31st ASEAN Summit sa ating bansa.