Hindi pa rin pinapayagan ng Philippine National Police na umalis sa kanilang mga post ang mga pulis na ideneploy sa nakalipas na Holy Week.
Sa interview ng RMN Manila kay NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazarm, ipinag-utos ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na manatili ang mga police assistance centers na ideneploy para sa pagbabalik ng mga bumiyahe nitong Semana Santa.
Ngayong araw na lang mananatili ang full alert status ang NCRPO habang nagbaba na ang alerto ang ibang PNP Regions, at deactivated na ang reactionary support force ng PNP National Headquarters para sa SUMVAC 2019.
Pero pagtityak ni Eleazar, mananatiling nakabantay ang PNP kasunod na rin ng nangyaring magkakasunod na pag-atake sa Sri Lanka.
Una nang ipinagmalaki ng PNP na naging mapayapa sa kabuuan ang paggunita ng Holy Week.
Batay sa kanilang monitoring, nakapagtala ng 56 namatay at 128 na mga sugatan sa nakalipas na Holy Week dahil sa 88 mga insidente.
Mas mababa ito kumpara sa naitala noong nakalipas na taon.