Back to base na ang mga pulis na idineploy sa ilang lugar sa bansa na matinding hinagupit nang nagdaang Bagyong Egay.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Pcol. Jean Fajardo, unti-unti nang pinu-pull out ang mga ito dahil tapos na ang Humanitarian and Disaster Response operations.
Ang pokus naman ngayon ng pamahalaan ay relief distributions kung saan ang mga pulis na ipinadala para dito ay hindi naman ganon kadami at hindi rin nakaka-apekto sa kanilang daily operations sapagkat katuwang nila dito ang iba pang sangay ng pamahalaan, NGOs at mga volunteers.
Una nang nag-deploy ang PNP ng halos 200 pulis mula sa Regions 1, 2, 3 at CAR para sa Humanitarian and Disaster Response operations.
Nagkaloob din ang Pambansang Pulisya ng ₱3-M halaga ng relief goods sa mga pulis at residente sa mga rehiyon na apektado nang nagdaang bagyo na bahagi ng kanilang “Adopt a Region Program.”