Mga pulis na inalis bilang security detail ni VP Sara, malaki ang naitulong sa SONA at rescue operations nang manalasa ang Bagyong Carina at habagat

Malaki ang naitulong ng mga downloaded na pulis mula sa iba’t ibang unit ng Philippine National Police (PNP) sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa isinagawang search and rescue operations bunsod ng epekto ng Bagyong Carina at habagat.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, ang mga ito ang nagsilbing karagdagang pwersa partikular sa National Capital Region Police Office kung saan sila inilipat.

Kabilang sa mga nailipat ang 75 pulis mula sa Vice-Presidential Security Protection Group (VPSPG), 150 mula sa Presidential Security Protection Group (PSPG) at mahigit 600 na downloaded mula sa National Headquarters ng PNP.


Layon ng PNP leadership sa paglilipat ng mga pulis na mapalakas ang police visibility sa Metro Manila.

Samantala, sinabi ni Fajardo na high morale ang 75 pulis na dating nagbibigay seguridad kay VP Sara kung saan ang karamihan aniya sa mga ito ay piniling magpadestino sa Southern Police District.

Facebook Comments