Mga pulis na inireklamo ng hindi pagsusustento sa kanilang pamilya isasailalim rin sa restorative training ng PNP sa pamamagitan ng squadding system

Prayoridad rin ng Philippine National Police na isailalim sa restorative training sa pamamagitan ng squadding system ang mga pulis na inireklamo ng kanilang hiniwalayang asawa at kabit dahil sa hindi pagsusustento.

 

Ayon kay PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde, sa pamamagitan ng restorative training ay mababago ang pananaw ng mga pulis na ito dahil mapapalalahanan  sila ng kahalagahan ng pamilya at matutunan nilang magkaroon ng takot sa Dyos.

 

Kapag aniya kasi nagkaroon ng ibang pamilya ang isang pulis madagdagan rin ang kanyang buhuhaying mga anak at kung kulang ang kanyang kinikita dito na nasasangkot sa korapsyon o anumang katiwalian ang isang pulis.


 

Batay sa rekord ng Women and Children protection Center (WCPC) 301 mga reklamo ng “economic abuse” laban sa mga pulis noong 2018.

 

Mas mataas ito ng 40 porsyento sa 215 kaso noong 2017, bago dumoble Ang sahod ng mga pulis.

 

Samantala ang squadding system ng PNP ay bago nilang konsepto para sa kanilang Internal cleansing program.

 

Kung saan bawat squad ay mayroong anim hanggang walong miyembro, ang squad lider ang magsisilbing tagapayo ng mga miyembro.

Facebook Comments