Mga pulis na inirereklamo ng mga hiniwalayang asawa at mga kabit dumadami

Dumami ang bilang ng mga pulis na inirereklamo ng kanilang mga kabit at hiniwalayang asawa dahil sa “economic abuse” o hindi pagbibigay ng financial support.

 

Ayon kay Brig. Gen. Gerry Galvan, hepe ng Inspection and Audit Division ng PNP Internal Affairs Service (IAS), napansin nila ang pagtaas ng bilang mga babaeng nanghihingi ng pinansyal na suporta sa mga pulis, mula nang dumoble ang kanilang sahod.

 

Ang mga reklamo ay pinadadala nila sa Women and Children protection Center (WCPC) para sa kaukulang aksyon.


 

Nakapagtala ang WCPC, ng 301 mga reklamo ng “economic abuse” laban sa mga pulis noong 2018.

 

Mas mataas ito ng 40 porsyento sa 215 kaso noong 2017, bago dumoble Ang sahod ng mga pulis.

 

Ayon kay WCPC director Brig. Gen. William Macavinta, nakaiwas sana ang mga pulis na ito sa kaso kung naging responsable lang sila at inalagaang mabuti ang kanilang mga pamilya, at kabit, at maging mga anak sa anak sa labas.

Facebook Comments