Mga Pulis Na Isinasangkot Sa Pagdukot At Pangingikil Sa Tatlong Koreano Sa Pampanga, Nakatikim Ng Mura Mula Kay Pnp Chie

15

MANILA – Nakatikim ng sandamakmak na mura kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang pitong pulis na isinasangkot sa pagdukot at pangingikil sa tatlong Koreano sa Angeles City, Pampanga noong Disyembre.Sampung minutong pinag-push up ni Dela Rosa ang pito, bukod pa sa mga kasong kakaharapin nila at pagkakasibak sa pwesto.Lalo namang nanggalaiti sa galit ang PNP Chief nang sabihin ng mga pulis na lehitimo ang ginawa nilang operasyon.Nakatikim din ng sermon maging ang mga opisyal ng Angeles City police.Aminado naman si Dela Rosa na bagsak ang moral ng PNP ngayon dahil sa sunod-sunod na kaso ng mga biktimang Koreano sa kamay mismo ng kanilang kabaro.Dinepensahan din ng PNP Chief ang planong pagpapatapon sa Mindanao sa mga tiwaling pulis na tinututulan naman ng marami.Samantala, ipinakilala na rin ni Dela Rosa si Sr/ Supt. Chiquito malayo na siya ngayong mamumuno sa PNP-counter intelligence task force na maglilinis sa hanay ng pulisya.

Facebook Comments