Mga pulis na itinalaga sa Marawi City, makakabalik na sa Miyerkules

Manila, Philippines – Pababalikin na sa araw ng Miyerkules ang mga pulis na itinalagang tumulong sa militar para makipagbakbakan sa mga miyembro ng Miyembro ng Maute ISIS group sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay PNP Chief Dir Gen Ronald Dela Rosa, mga miyembro ng PNP Special Action Force ang main unit na tumulong sa gyera sa Marawi na babalik na sa kanilang kampo sa Taguig City sa Miyerkules.

Sa ngayon wala raw kasing direktiba ang pangulo na ililibre rin sa trip to hongkong ang mga SAF members sa halip ito ay pangako lang sa mga babaeng sundalo at pulis na tumulong sa gyera sa Marawi.


Kaya naman ililibre na lang daw nya ng bulalo sa Tagaytay City ang kanyang mga tauha

Tiniyak naman ni Dela Rosa na maraming mga pulis ang mabibigyan ng parangal dahil sa kanilang kabayanihan sa nangyaring gyera sa Marawi City.

Ang pagbibigay aniya ng parangal sa mga ito ay base sa mga naging pahayag ng ground comamander ng militar.

Isa sa tiyak ng mabibigyan ng parangal ay si Sr Supt Rolando Anduyan ang Deputy regional director for operations of the automous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Facebook Comments