Manila, Philippines – Walang official order na maibabalik sa PNP Criminal Investigation and Detection Group region 8 ang mga kasama ni Supt. Marvin Marcos na nasangkot sa pagkamatay ni dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa habang nakakulong sa Baybay City Jail sa Leyte.
Ayon kay PNP CIDG region 8 Supt. Zacarias Noel Villegas, labing tatlong pulis na nakatalaga sa PNP CIDG region 8 ang una nang sinibak sa pwesto matapos ang nangyari kay Mayor Espinosa.
Inilipat aniya ang mga ito sa PHAU- Personnel Holding and Accounting Unit sa Camp Crame habang iniimbestigahan ang kanilang kaso.
Pero sa ngayon ni isa sa kanila ay walang order na sila ay maililipat o maibabalik muli sa PNP CIDG region 8.
Maging ang Directorate for Personnel Records Management o DPRM aniya ay walang ugnayan sa kanila para sa pagbabalik trabaho sa kanilang unit.
Posible raw na sa ibang unit na maia-assigned ang mga pulis na ito.