Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na dapat magpaliwanag ang mga pulis na kumuha sa mga labi ng pinaslang na National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Peace Consultant Randy Echanis.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, karaniwan ay ang pamilya ng namatay ang dapat nag-aayos ng funeral arrangements, pero tila kinukwestiyon ang pagkakakilanlan ng bangkay.
Gayumpaman, sinabi ni Guevarra na dapat magbigay ng paliwanag ang mga pulis kung bakit kailangang ilipat ang mga labi nito mula sa isang funeral parlor patungo sa iba.
Bago ito, kinokondena ni Erlinda, asawa ni Echanis ang Quezon City Police District (QCPD) La Loma Police Station para sa kanilang harassment at tila paghablot sa labi ng kaniyang asawa.
Iginiit ni Erlinda na kinukumpirma nila na labi iyon ng kaniyang asawa pero sinasabi ng QCPD na ang bangkay ay si Manuel Santigo.