Hindi kukunsintihin ng Philippine National Police (PNP) ang sinumang pulis na lalabag sa batas trapiko.
Ito’y makaraang mahuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang pulis na wala namang opisyal na lakad subalit dumadaan sa EDSA Busway.
Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief, PCol. Jean Fajardo, tulad ng mga ordinaryong mamamayan ay hindi abswelto ang mga pulis sa mga ipinatutupad na batas.
Kaya naman hinimok nila ang MMDA na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga pulis na lumalabag sa batas trapiko.
Una ng sinabi ni MMDA Task Force Special Operations Group Chief Edison Bong Nebrija na maghahain sila ng reklamo sa Directorate for Intelligence and Detective Management (DIDM) laban sa mga nahuli nilang pulis