Agad na sisibakin sa serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief Pol. Gen. Debold Sinas ang mga pulis na magpapaputok ng baril sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay Sinas, hindi na seselyuhan pa ang mga baril ng mga pulis dahil nakita naman nila na epektibo ito noong ng mga nakalipas na taon.
Paliwanag ni PNP Chief, kung gusto talagang gumawa ng kalokohan ng mga pulis ay makakagawa ito kaya mababalewala rin ang selyo.
Matatandaan na una nang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na masasangkot sa indiscriminate firing na seryoso ang kanilang kakaharapin.
Ito ay dahil may mga inosenteng posibleng masaktan o masawi dahil sa pagpapaputok ng baril.
Facebook Comments