Binalaan ngayon ni Newly installed Philippine National Police Chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang mga pulis na nagpaparusa ng physical exercise sa mga quarantine violator.
Ayon kay Eleazar, hindi pwedeng ang mga pulis ang magbigay ng parusa sa mga quarantine violator dahil tanging ang korte lamang at ang Local Government Units (LGUs) ang dapat na magpatupad nito.
Bunsod nito, pinaalalahanan ni Eleazar ang lahat ng unit commanders na ipatupad ang tamang proseso sa mga quarantine violator at panagutin ang mga lalabag dito.
Ang babala ng PNP Chief ay kasunod ng pagkamatay ni Darren Peñaredondo sa General Trias, Cavite kung saan naging viral ito sa social media matapos ang 300 rounds ng pumping exercise na ipinagawa sa kanya ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew hours.