Kinilala ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang sakripisyo na ginawa ng mga pulis na nagbantay ng seguridad sa Traslacion 2020.
Ayon kay PNP Spokesman B/Gen. Bernard Banac, alam nila ang sakripisyo na ginawa ng mga pulis na nagpatupad ng maximum tolerance at hindi nagpatininag sa mga deboto na pilit na binabasag ang Andas wall.
Aniya gusto lang PNP na maging mas mabilis at mapanatili ang kaayusan sa prusisyon ng Itim na Nazareno kaya sila ng nagpatupad ng ilang mga pagbabago ngayong taon.
Kahapon, pagkalabas pa lang ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand ay nagkaroon na ng tensyon sa mga deboto at mga pulis.
Pilit kasing inaagaw ng ilang mga deboto ang asul na lubid sa gilid ng prusisyon at pilit na binabasag ang Andas wall.
Pero, sinabi ni Banac na kung may mga debotong nasaktan sa balyahan, ay mayroon ding pulis at sundalo na nasaktan sa Traslacion 2020.