Mga pulis na mangangasiwa sa PICC bilang quarantine facility, naka-deploy na

Naipadala na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhang mangangasiwa sa operasyon sa itinalagang quarantine facility sa Philippine International Convention Center o PICC.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, kasama sa mga pinadala sa PICC sina PNP Health Service Director Police Brigadier General Herminio Tadeo Jr. at ang nasa 128 non-medical personnel na silang mangangasiwa sa quarantine facility.

Ang inilagay na quarantine facility sa PICC ay mayroong 294 na bed capacity at kaya nang tumanggap ng mga pasyenteng nagpositibo sa virus o maging mga hinihinalang positibo sa COVID-19.


Bawat linggo, magpapalit-palit ang 42 mga tauhan ng PNP na hahatiin naman sa dalawang batch.

Ang dalawang batch ay magkakaroon naman shifting kada 2 linggo para maiwasan ang pagkahawa sa virus ng mga medical officer.

Siniguro pa ng PNP, mahigpit na susundin ng lahat ng mga medical personnel ang biosafety protocols na inilatag ng Department of Health (DOH) tulad ng decontamination at ang paggamit ng PPE ng mga tauhang nangangasiwa rito.

Facebook Comments