Mga pulis na mapapatunayang sangkot sa pagkamatay ni Kian delos Santos, mabubulok sa kulungan – Pangulong Duterte

197

Manila, Philippines – Mabubulok sa kulungan ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Loyd delos santos sakaling mapatuyang nagkasala.

Ito umano ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikipag-usap niya sa mga magulang ni Kian kahapon.

Sabi pa ni Lorenza delos Santos, ina ni Kian sa pulong, personal na nagpaabot ng pakikiramay sa kanila ang pangulo.


Pagkatapos ng pulong, nagpa-picture pa sila kasama ang pangulo at nag-pose gamit ang trademark nito na kamao.

Samantala, ayon kay PAO Chief Atty. Percida Acosta, nababahala na ang pamilya ni Kian sa ilang grupo na gumagamit sa pagkamatay ni Kian para isulong ang kanilang politikal at personal na interes.

Facebook Comments