Mga pulis na masasangkot sa iregularidad at pang-aabuso, iipitin ang sweldo

Iipitin ang sweldo ng mga pulis na masasangkot sa iregularidad o katiwalian at mga pang-aabuso.

Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia sa gitna ng pagdinig ng Senado sa pagpatay ng anim na pulis Navotas kay Jemboy Baltazar.

Ayon kay Sermonia, iipitin ng PNP ang sahod ng pulis na masasangkot sa anomalya at iba pang pang-aabuso upang hindi na pamarisan ng ibang pulis.


Rerepasuhin din ang kaso ng mga pulis na na-dismiss at muling nakabalik sa pwesto at aalamin kung sino ang dapat na managot dito.

Inihayag din ni Sermonia na nahihiya ang kanilang hanay dahil mayroon pa ring gumagawa ng kalokohan sa kabila ng dinoble na ang kanilang sweldo.

Facebook Comments