Mga pulis na may kaanak na tatakbo sa BSKE, nailipat na ng pwesto

Sa layuning matiyak ang integridad at patas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre, ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang paglilipat ng assignment ng mga pulis na may kaanak na tatakbo sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Acorda, base sa kanilang record ay nasa kabuuang 2,956 na PNP personnel ang napasama sa ipinatupad na reassignment.

Sakop ng unit reassignment ang 4th degree consanguinity o affinity ng mga pulis.


Layunin nito na maiwasang maimpluwensiyahan ang resulta ng eleksyon at walang pulis ang dapat masangkot sa partisan politics.

Maaalalang nauna nang ni-recall ng PNP ang nasa 679 na security personnel nito upang maiwasan ang familiarity sa pagitan ng pulisya, pulitiko at government officials na posibleng magkaroon ng impluwensya sa nalalapit na BSKE.

Facebook Comments