Mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa BSKE, tinutukoy na ng PNP

Inaalam na ngayon ng Philippine National Police (PNP) kung sino sa kanilang mga tauhan ang may kamag-anak na tatakbo sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ito ang magiging basehan ng gagawin nilang re-assignment ng mga pulis bago mag-eleksyon.

Paliwanag ni Acorda, ito ay para masiguro na hindi masasangkot sa “partisan politics” ang mga tauhan ng PNP.


Nabatid na ang filing ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa BSKE ay mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2.

Kasunod nito, inaasahan nilang makukumpleto ang listahan ng mga pulis na may kamag-anak na kakandidato para mailipat ang mga ito bago umiral ang election ban.

Facebook Comments