Sa layuning hindi maimpluwensyahan ang eleksyon 2025, magsasagawa ng re-assignment ang Philippine National Police o PNP sa mga pulis na may mga kamag-anak na kandidato sa eleksyon.
Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Marbil, ipatutupad nila ang balasahan sa pwesto para matiyak na mananatiling nonpartisan ang hanay ng Pambansang Pulisya.
Sa ngayon, wala pang bilang sa kung gaano karaming mga pulis ang may mga kamag-anak na tatakbo sa eleksyon.
Oras naman na maisapinal ito ay agad na gagawin ang kautusan upang agad na maitupad ilang buwan bago ang eleksyon 2025.
Facebook Comments