Mga pulis na naabutang nakaupo at gumagamit ng cellphone, sinermunan ni NCRPO Chief Albayalde

Manila, Philippines – Sinermunan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Oscar Albayalde ang mga pulis na inabutan niyang nakaupo at nagte-text lang.

Nabatid na mismong si Albayalde ang nakahuli sa mga bagitong pulis sa ginawa nilang ispeksiyon sa nakalatag na seguridad sa mga rutang daraanan ng mga Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit delegates.

Maging ang mga pulis na naka-assign sa checkpoint malapit sa venue ng ASEAN Summit ay kaniya din pinagsabihan matapos silang makitang naka-upo.


Muling ipinaalala ni Albayadle sa mga naka-duty na pulis na manatiling naka-alerto sa panahon ng summmit kung saan kaniya din binigyan ng babala ang mga ito na manangot kapag nagpabaya sa trabaho.

Facebook Comments