Mga pulis na nabanggit sa petisyon sa Korte Suprema kontra war on drugs, iniimbestigahan na

Manila, Philippines – Kinumpirma sa Supreme Court oral arguments ni PNP-Internal Affairs Service Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na iniimbestigahan na nila ang mga pulis na nabanggit sa dalawang petisyon kontra war on drugs.

Sinabi rin ni Triambulo na mula July 2016 hanggang November 2017 umaabot na sa 2,657 police operation na ikinamatay ng 3,800 drug suspects ang na – monitor ng PNP-IAS.

Mula naman sa nasabing bilang, umaabot na sa 1,489 fact finding investigation ang nakumpleto.


Iniulat din ni Triambulo na pitumpu’t dalawa sa mga pinarusahan ay pinatawan ng dismissal, 20 naman ang demoted at 31 ang sinuspinde.

Bukod kay Triambulo , sumalang din sa oral arguments si PNP Chief Ronald dela Rosa kung saan nilinaw niya na kailanman ay wala siyang direktiba sa mga pulis na patayin ang drug suspects maliban na lamang kung manlalaban ang mga ito

Sa ikatlong oral arguments sa Dec. 5 ay muling pinadadalo sina dela Rosa, Triambulo at PDEA Director Aaron Aquino.

Facebook Comments