Mga pulis na nabigyan na ng booster shot, mahigit 219,000 na

Umabot na sa 219,498 o 98. 18% ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nabigyan na ng booster shot kontra COVID-19.

Una nang sinabi ni PNP Public Information Office Chief Brig. Gen. Roderick Augustus Alba na sinisikap ng PNP na makumpleto ang pagbibigay ng booster shot sa kanilang mga tauhan na fully vaccinated bilang karagdagang proteksyon.

Ito aniya ang dahilan kaya nakamit na ng PNP nitong nakaraang linggo ang kanilang target na zero COVID cases.


Pero mayroon pa rin aniyang paisa-isang inuulat na bagong kaso ng COVID-19 ang PNP mula noong nakaraang linggo.

Kahapon, batay sa ulat PNP Health Service, walang bagong kaso ng COVID-19 sa PNP ngunit may isang aktibong kaso.

Mula ng magsimula ang pandemya, nasa 48,863 na ang tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19 kung saan 48,733 ang naka-rekober at 129 ang nasawi.

Facebook Comments