Mga pulis na nagbabantay sa mga checkpoints, regular pa ring isinasalang sa RT-PCR test

Utos pa rin ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Debold Sinas ang regular na pagsasagawa ng RT-PCR test sa mga pulis na nagmamando ng checkpoint sa NCR Plus bubble para matiyak na ligtas ang mga ito sa COVID-19.

Sinabi ito ni PNP Spokesperson PBGen. Ildebrandi Usana, makaraan ang pagpupulong kahapon ng mga opisyal ng PNP para sa paghahanda sa pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Batay aniya sa utos ni PNP Chief, tuloy pa rin ang mga boundary checkpoint na ipinatupad ng PNP noong nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) kasabay ng pagpapatupad ng curfew at pagsita sa mga lumalabag sa Minimum Standard Health Protocols (MSHP).


Sinabi pa ni Usana ang mga alituntunin na ipinatupad ng PNP noong unang inilagay sa MECQ ang National Capital Region (NCR) noong nakaraang taon ang kanilang magiging template sa pagkakataong ito.

Ngunit sa pagkakataong ito, walang aarestuhin sa paglabag sa Minimum Standard Health Protocols, sa halip ay sisitahin lang o pagmumultahin ang mga violators.

Facebook Comments