Mga pulis na nagbigay seguridad noong mendiola rally nitong Sabado, kinilala ng liderato ng PNP

Nagpasalamat si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga police officers na nagbigay seguridad sa Mendiola rally nitong Sabado.

Maaalalang sa nangyaring rally nagpang-abot ang pulisya at mga militante kung saan nagresulta ito sa pagkasugat ng 8 pulis.

Ayon kay Gen. Marbil, ipinakita ng pulisya ang kanilang professionalism at ipinatupad ang maximum tolerance.


Aniya, ang mga ganitong sitwasyon ay paalala ng panganib sa buhay ng mga pulis na kailangan nilang suungin magapampanan lang ang kanilang mandato.

Kasunod nito, nangako si Marbil ng buong suporta sa lahat ng mga pulis tulad ng training, resources, at moral support upang magampanan nila ng mas epektibo ang kanilang trabaho.

Una nang naghain ng patong-patong na kaso ang PNP laban sa mga inidbidwal na nanakit sa mga pulis sa protesta sa Mendiola noong Sabado kaugnay ng Bonifacio Day.

Facebook Comments