Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, nasa 632 na

38
Courtesy: PNP Photo

Umakyat na sa 632 ang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP) matapos madagdagan ng limampu’t tatlong (53) bagong mga kaso.

Nananatili naman sa siyam (9) ang binawian ng buhay habang 334 na ang nakarekober sa nakakahawang sakit.


Sa ngayon, binabantayan pa rin ang 648 probable carriers ng virus at 949 na under observation.

Facebook Comments