Mga pulis na nagsagawa ng operasyon laban sa mga Parojinog sa Ozamis City, posibleng maharap sa preventive suspension

Manila, Philippines – Mahaharap sa preventive suspension ang mga pulis na miyembro ng PNP Criminal Investigation and Detection Group sa Region 10 at Misamis Occidental Police Provincial Office na nagsagawa ng operasyon laban sa pamilya Parojinog.

Ito ay kung mapapatunayan ng PNP Internal Affairs Office na may probable cause o may paglabag na nagawa ang mga ito habang isinisilbi ang search warrant laban sa mga Parojinog.

Pero sa ngayon ayon kay PNP Chief Dir. Gen Ronald Dela Rosa, wala silang nakikitang basehan para patawan ng suspension ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon dahil lehitimo ang ikinasang police operation.


Standard Operating Procedure o SOP lamang daw ayon kay Dela Rosa na magsagawa ng moto propio investigation ang PNP-IAS dahil may namatay sa operasyon at gamit na mga armas ay mula sa tropa ng pamahalaan.

Sa nangyaring police operation labing limang katao ang nasawi kabilang na si Ozamis City Mayor Reynaldo Parojing Sr. na una nang nabanggit ang pangalan sa mga inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa transaksasyon ng iligal na droga.

Facebook Comments