Mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa Pasig, aminadong kulang sila sa thermal scanner

Aminado si Police Lieutenant Dante Tanteo na kulang sila sa thermal scanner sa kanilang isinagawang checkpoint sa  Eastbank Road sa Pasig City na lumikha ng matinding haba ng trapiko dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng checkpoint at iniisa-isa ang lahat ng mga dumadaan sa naturang checkpoint.

Ayon kay Police Lieutenant Tanteo, kulang sila sa thermal scanner kaya’t hindi nila malalaman kung mayroong positibo sa COVID-19 ang mga motoristang dumadaan sa naturang lugar.

Nag-ambag naman ang Pasig City Government ng thermal scanner upang magamit sa kanilang isinagawang checkpoint.


Umaasa si Pasig City Mayor Vico Sotto na mayroong mga pribadong kumpanya na magdo-donate ng thermal scanner upang magamit sa mga isinagawang checkpoint ng mga pulis sa lungsod.

Humingi ng paumanhin ang alkalde sa mga motorista na bahagyang naaabala sa kanilang pagpasok sa trabaho dahil sa ipinatutupad na check point sa kanilang lugar.

Facebook Comments