Mga pulis na nahuling nag-e-escort sa mga manggagawa at opisyal ng POGO, dapat tiyaking maparurusahan

Iginiit ni House Committee on Dangerous Drugs at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers sa Philippine National Police (PNP) na imbestigahan at tiyaking mapaparusahan ang umano’y mga police officers na nagsisilbing body guards ng mga manggagawa at opisyal ng Philippine Offshore Gaming Operator o POGO.

Mensahe ito ni Barbers sa PNP makaraang mapaulat kamakailan na mayroong dalawang miyembro umano ng PNP-Special Action Force (SAF) na nakatalaga sa Zamboanga ang gumaganap bilang body guards ng isang opisyal ng POGO na nakatira sa Barangay Ayala, Alabang.

Base sa report, batid umano ito ng Battalion Commander ng nabanggit dalawang PNP-SAF officers na tumatanggap ng tig-₱40,000 kung saan ang kalahati ay napupunta sa kanilang superior.


Diin ni Barbers, kung totoo ang nabanggit na impormasyon ay sadyang nakakadismaya ang nabanggit na kalakaran sa PNP na hindi dapat palampasin.

Paalala ni Barbers, tanging ang PNP Police Security Protection Group lamang ang may mandato na magbigay ng seguridad sa mga mahahalagang institusyon ng pamahalaan, mga opisyal ng gobyerno, mga bumibisitang dignitaries sa bansa at mga otorisadong pribadong indibidwal.

Facebook Comments