Mga pulis na nakabaril sa kapwa nila pulis sa Quezon City, sinibak na sa serbisyo

Pinirmahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang dismissal order laban sa dalawang pulis na sangkot sa pagpatay sa kanilang kabaro na unang napaulat na nagpakamatay sa Quezon City.

Ayon kay PNP Chief, guilty sa mga kasong grave misconduct, paglabag sa Presidential Decree 1829 (obstruction of justice), simple irregularity in the performance of duty (loafing), less grave neglect of duty (drinking while on duty) at conduct unbecoming of a police officer si Police Corporal Sherwin Rebot.

Habang ang isa pang pulis na si Police Corporal Harold Mendoza ay guilty rin sa mga kasong less grave neglect of duty (umiinom ng alak habang duty), simple irregularity in the performance of duty (loafing) at conduct unbecoming of a police officer.


Sila ay sangkot sa pagpatay sa kanilang kabaro na si Police Corporal Higinio Wayan sa Police Security and Protection Group.

Lumabas sa imbestigasyon na hindi nagpaputok ng baril si Wayan.

Sinampahan na rin sina Rebot at Mendoza ng mga kasong kriminal.

Facebook Comments