
Nakikiisa ang Gabriela Women’s Party sa pagsigaw ng hustisya para sa 17-taong gulang na si Jemboy Baltazar na pinagbabaril umano at napatay ng mga pulis makaraang mapagkamalang suspek.
Giit ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, dapat tiyaking mananagot o maparurusahan ang anim na pulis na sangkot sa krimen.
Ayon kay Brosas, ang pagpaslang kay Jemboy ay nagpapaalala sa kalupitan umano ng mga awtoridad nang mapatay ang menor de edad na Kian Delos Santos in 2017 sa ilalim ng war on drugs.
Para kay Brosas, nakakikilabot na maraming kabataan ang nasasawi dahil sa pagiging trigger-happy o mga sablay na basta na lamang pamamaril ng mga alagad ng batas.
Diin pa ni Brosas, kailangang matuldukan na ang karahasan na kagagawan ng mga awtoridad upang matiyak ang proteksyon sa karapatan at buhay ng mamamayan lalo na ang mga kabataan.









