Sasampahan na ng mga kaso ang siyam na pulis na sangkot sa pagpaslang sa apat na sundalo sa nangyaring shooting incident sa Jolo, Sulu noong Hulyo 29, 2020.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Lieutenant General Gilbert Gapay, isusumite na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang rekomendasyon sa Department of Justice (DOJ) para makasuhan ang siyam na pulis.
Kasama sa reklamong isasampa ang murder at pagtatanim ng ebidensya, habang ang ilang police official sa Jolo ay kakasuhan ng neglect of duty.
Giit ni Gapay, hindi sana mangyayari ang Jolo twin blast kung hindi napatay ng mga pulis ang mga sundalong nagmamanman sa mga suicide bombers.
Facebook Comments