Mga pulis na nakatalagang security detail ng mga VIPs, pina-recall lahat ni PNP Chief Bato Dela Rosa

Manila, Philippines – Ipinapa-recall o pinapabawi na muna ni PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa ang lahat ng mga pulis na nakatalaga bilang security detail sa mga VIPs.

Ginawa ni PNP Chief ang kautusan matapos ang pagkahuli kay PO3 Walter Vidad na nagsisilbing police escort ng drug suspek na si Diana Uy na nakunan ng 10M pisong halaga ng shabu kamakalawa.

Ayon kay Dela Rosa, upang matiyak nilang malinis ang lahat ng tao o hindi sangkot sa anumang iligal na aktibidad ang bibigyan nila ng police escort kaya iniutos niyang i-recall ang lahat ng police protective personnel na nakatalaga sa mga private individual at mga government officials.


Sinabi naman ni PSPG director Chief Supt. Joel Crisostomo De Leon Garcia, by batches ang gagawin nilang pag-recall sa may 400 pulis na naka-assign sa private VIPs at 300 naman sa government VIPs.

Facebook Comments