Binigyang pagkilala ng Pambansang Pulisya ang mga pulis na nagbuwis ng buhay at nasugatan sa iba’t ibang operasyon sa buong bansa.
Mula January 1 hanggang July 13, 2024, umabot sa 16 na pulis ang binawian ng buhay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, kung saan 40 naman ang nasugatan, kabilang ang apat na pulis Maynila na nasangkot sa engkwentro sa Tondo noong nakaraang linggo.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, maituturing na bayani ang mga ito dahil sa pagpapakita ng tapang at dedikasyon sa pagtupad ng kanilang tungkulin para sa kaligtasan at seguridad ng publiko.
Dapat din aniyang maging inspirasyon ang mga pulis sa kanilang mga kasamahan upang gawing mas mahusay ang kanilang tungkulin.
Facebook Comments