Inalerto ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar ang Police Regional Office (PRO) 8 na maghanda sa posibleng epekto sa rehiyon ng Tropical Depression “Maring”.
Inabisuhan din ng PNP chief ang mga kalapit na PRO na mag-standby ng mga tauhan kung sakaling kakailanganin ang kanilang tulong sa evacuation ng mga residente.
Mahigpit ang bilin ni Eleazar sa mga kinauukulang PNP units na aktibong i-monitor ang mga weather bulletin ng PAGASA para sa posibleng pre-emptive evacuation ng mga residente sa mga delikadong lugar.
Batay sa ulat ng PAGASA ngayong araw, ang Tropical Depression Maring ay nasa karagatan ng bansa pero “erratic” ang pagkilos nito at wala pang Tropical Cyclone Wind Signal na itinaas.
Facebook Comments