Mga pulis na nasa narco-list ng Pangulo, iimbestigahan ng PNP

Siniguro ni PNP Spokesperson Col. Bernard Banac na iimbestigahan agad ng PNP ang mga pulis na kabilang sa narco-list ng Pangulo.

 

Ginawa ng opisyal ang  pahayag matapos sabihin ng Pangulo na papangalanan niya ang lahat ng mga pulis na sangkot sa iligal na droga.

 

Ayon kay Banac, nakikiisa ang PNP sa layunin ng Pangulo na malinis ang hanay ng PNP, at puspusan ang pagpapatupad ng PNP ng kanilang Internal cleansing program.


 

Sa katunayan aniya, sa nakalipas na 3 taon ng administrasyon ay mahigit 8 libong pulis na ang napatawan ng disiplinary Action dahil sa ibat ibang mga paglabag.

 

441 aniya dito ay tuluyang na dismiss sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga.

 

Matatandaang unang inilabas ng pangulo ang kanyang listahan ng mga pulitikong sangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments